WATCH: Taxi driver na tinawag ni Maegan Aguilar na magnanakaw, binigyan ng parangal ng LTFRB






Lubos ang pasasalamat ng operator ng Nimble Taxi na si Mrs. Rosalinda Gigante at ang taxi  driver na si Vinet Alforque Sr. sa Raffy Tulfo Action dahil sa ginawang pagtulong ng programa na malinis ang kanilang pangalan.

Ito ay matapos akusahan ni Maegan Aguilar a.k.a Phoebe Dee sa kanyang facebook post ang driver na magnanakaw at insultihin ng kung anu-ano pang masasakit na salita dahil lamang sa hindi agad naisauli ang kanyang mga naiwang gamit.

Sa katunayan, kilala ang taxi driver na tapat at mabuting tao dahil maraming beses na raw itong nagsauli ng mga naiwang gamit sa kanyang mga naging pasahero.

Dahil sa ipinamalas na kabutihan ng driver at hindi pagpatol kay Maegan, marami ang naniwala at kumampi sa kanya. Kaya naman inimbitahan siya ng LTFRB para kilalanin at bigyan ng parangal.

Samantala, isang celebrity lawyer naman ang nag-aalok ng free legal assistance sa taxi driver sakaling nanaisin nitong magsampa ng kaso laban kay Maegan Aguilar.

Watch video here:
Source: Raffy Tulfo Action
Loading...

No comments:

Theme images by sndr. Powered by Blogger.