LOOK: Budget para sa National ID System sa bansa, haharangin umano ng ilang kongresista







Ilang kongresista sa Bayan Muna tiniyak na haharangin ang paglalaan ng dalawang bilyong budget para sa National ID System para sa 2020.

Nakatakdang maglaan ang gobyerno ng 2 billion peso budget sa susunod na taon para sa paglalatag ng nakatenggang National Identification System sa Kongreso.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, sa magiging pagdinig ng 2018 General Appropriations Act sa pagbabalik sesyon para sa 2nd regular session ng 17th Congress ay tututulan nila sa makabayan ang nasabing plano na paglalaan ng pondo.

Umaalma rin si Zarate dahil hindi pa naman batas ang panukala pero mayroon na agad na inilaan na pondo dito ang Department of Finance.

Sinabi pa ni Zarate na hihimayin nila ang budget sa National ID sa kongreso dahil maraming pangangailangan ang mga mahihirap na siyang mas dapat na binibigyan ng pondo.

Sa oras anya na maisabatas, “by batch” anyang ilalabas ang national ID at kabilang sa mga unang makatatanggap nito ay mga senior citizen at persons with disabilities.

Source: RMN | DWIZ882AM
Loading...

No comments:

Theme images by sndr. Powered by Blogger.