Bishop Socrates Villegas, papalitan na sa bagong CBCP President na taga Davao







Nakaboto na ng mga bagong opisyal ang mga Obispo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Ito ang lumabas sa resulta ng kanilang pagpili ng bagong pinuno sa CBCP biannual plenary assembly sa Pope Pius Center, Paco, Manila.

Papalitan ni Archbishop Valles si outgoing CBCP President Archbishop Socrates Villegas.

Hahawak naman sa tungkulin bilang vice president si Caloocan City Bishop Pablo David.

Bagaman nakapili na ng mga bagong lider ang CBCP ay sa buwan pa ng Enero sa susunod na taon sila opisyal na manunungkulan.

Ang 65-anyos na si Valles ay ipinanganak sa Maribojoc, Bohol.

Naordinahan siya bilang pari noong 1976 at bilang obispo noong 1997.

Nagtapos si Bishop Valles sa kolehiyo sa kursong A.B. Philosophy at Theology
sa St. Francis Xavier Regional Major Seminary sa  Davao City.

Nag-aral din siya sa kanyang post graduate Licentiate in Sacred Liturgy sa Vallessa Pontificio Ateneo Sant’ Anselmo sa Rome, Italy.

Meron siyang Master of Arts in Religious Education na kinuha niya sa Ateneo de Davao University.

Ang isang termino ng CBCP president at vice president ay tumatagal ng dalawang taon at maaari rin silang tumakbo para sa re-election.


Source: BOMBORADYO | INQUIRER
Loading...

No comments:

Theme images by sndr. Powered by Blogger.